Thursday, August 2, 2018

Filipino: Wika ng Saliksik


         "Ang wika ay susi ng puso at diwa, tuluyan ng tao’t ugnayan ng bansa."

      Opisyal na wika ng ating bansa ang wikang Filipino na kung saan ang pagkakaroon ng pambansang wika ay may layong palaganapin ang pagkakaisa ng isang bansa. Ipinagdiriwang tuwing Agosto ang Buwan ng Wika upang palawakin ang kaalaman ng mga tao ukol sa ating pambansang wika.
           
         Ang tema ngayong taon ay "Filipino; Wika ng Saliksik" na kung saan kinikilala ang wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran. Ang pananaliksik ay ang paghahanap o research sa Ingles. Ayon sa nabasa kong artikulo, layunin ng Komisyon sa Wikang Filipino o KWF na gamitin ang wikang Filipino sa pagdaragdag ng ating mga kaalaman. Nais nila na habang lumalawak ang ating kaalaman sa iba't ibang larangan ay lumalago rin ang wikang sariling atin- Wikang Filipino.

      Hindi lang ngayong buwan ng wika; kundi patuloy nating gamitin at tangkilin ang ating sariling wika. Sa pamamagitan ng simpleng pananalita sa wikang Filipino at pagdalo sa iba't ibang mga aktibidades sa paaralan o komunidad. Lagi nating tatandaan na ang wika ang nagsisilbing kaluluwa ng bansa at salamin ng lipunan, ito ang nagpapabuklod sa ating mga mamamayan. 






















References: 
https://www.affordablecebu.com/buwan-ng-wika-theme-tema
http://www.myph.com.ph/2014/01/mga-kasabihan-tungkol-sa-wikang-filipino.html#.W2L01dUzbDc

x

4 comments:

  1. Siguro'y isa kang manunulat sa iyong paaralan dahil napansin kong sobrang husay mong dinala ang nilalaman ng iyong artikulo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi naman po maganda ang aking artikulo kasi hindi ko masyadong binigyan ito ng pansin ngunit oo, ako ay manunulat dito sa ating paaralan.

      Delete
  2. Ako'y humahanga sa husay mo sa panunulat ng iyong artikulo. Ninanais ko pang makabasa ng mga artikulong galing sa iyo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat sa paghanga, ganun din ako sa'yo ^-^

      Delete